Episode Summary
Kwentong Komedya. Mga Maikling Kwentong binuhay gamit ang Revitalized Komedya Samahan natin si Kuya Ken sa pagbibigay buhay at kulay sa mga kwentong kinagiliwan, kinapanabikan, at kinapulutan ng aral noong unang panahon Disclaimer: Ang kwentong ito ay bunga ng kathang-isip ng may-akda. Anumang pagkakatulad sa mga aktwal na tao, buhay o patay, o aktwal na mga pangyayari, ay nagkataon lamang. BUOD NG KWENTO: Umaga ng Linggo ng gumayak si Aling Marta upang magtungo sa pamilihan para bumili ng ihahanda sa pagtatapos ng kanyang anak. Sa entrada ng mercado ay nabangga siya ni Andres Reyes, isang madungis na batang humahangos habang may hawak na tig bebeinteng bangus. Matapos sermunan ang bata ay agad rin tumalikod ang matandang babae at nagtungo sa tindahan ni Aling Godyang upang bumili ng mantika. Nang magbabayad na ito ay napansin niyang wala na ang kanyang pitaka. Ginalugad niya ang buong palengke upang hanapin ang batang kanina ay bumangga sa kanya. Nang makita ay pinitcharahan niya ito at dinala sa pulis. Sa takot ng bata ay kumawala ito at tumakbo sa kalsada at doon sinapit ang malagim na kapalaran. Matutunghayan sa kwento ni Andres and libo-libong kwento ng mga bata sa Pilipinas na patuloy na nakakaranas ng di-pantay na pagtrato ng batas at ng lipunan. Alamin natin ang binuhay na kwento ng maikling kuwentong 'Ang Kalupi' ni Benjamin Pascual na isinalin bilang Revitalized Komedya.
